UP namin ay MAHAL!!!!

hindi na ako sakop ng pagtataas ng matrikula sa unibersidad ng pilipinas kung tutuusin. nagtapos na ako sa kinuha kong kurso apat na taon na ang nakaraan. kung sarili ko lang iisipin ko, wala na dapat akong pakialam, hindi ba? kasi hindi na rin ako apektado nito…problema na dapat ito ng mga iskolar ng bayan 2007…

naisip ko lang kasi na may mga kapatid pa ako na kung tutuusin, malaki ang tyansa na makapag-aral ng kolehiyo sa peyups sa susunod na mga taon..

250% ang itataas ng tuition sa UP sa susunod na taon…makatarungan ba ito, ang tanong ng karamihan.

sabi nung isang propesor na kinapanayam ng reporter na dapat lang kasi para ito sa mga guro ng unibersidad. marami na rin kasing mga propesor ang "nagsisilayasan" kaya’t nagkakaroon na rin ng "brain hemorrhage" at hindi na brain drained…isa pa, para na rin sa modernisasyon ng mga pasilidad ng buong up system ang gagawin..siya nga pala, hindi lahat ng up campuses ay apektado…Diliman, Manila At Los Banos ang makakaranas ng naturang pagtaas ng tuition..

karapat dapat din lang naman na bigyan ng tamang omento ang mga propesor sa up pero hindi ito dapat problema ng mga estudyante…tama bang pasanin ng mga mag-aaral ang dagdag sahod at pagpapaganda ng up???? para ano pa at isang state university ito???? @#*! na! ano na lang ang pinagkaiba natin sa mga pribadong eskwelahan na sugapa sa pera at ginagawang negosyo habang sinasamantala ang pangangailangan ng mga kabataan na mag-aral?????

kay president roman at sa bor, marami pa kayong pwedeng gawin at may kapangyarihan kayo na baguhin ang kapalaran ng unibersidad…!!!! wag niyong tanggalan ng karapatan ang mga karapat-dapat na estudyante na makakuha ng kalidad na edukasyon…

kung matutuloy din lang yan, marapat na rin na palitan ang unang linya ng himno ng UP: "UP namin ay MAHAL!!!!!!"



No Responses to “UP namin ay MAHAL!!!!”

No comments yet

Leave a Reply